Up | Down

Labels

 

Spherical Panorama of Places in the Philippines

~ ~

Over a year ago, I came across a site showing a spherical panoramic view of the city of Prague in Czech Republic and featured it in a short blog here and tried to look around the web to see if something like that was done in the Philippines. I finally found several! This link takes you to Libertad Street (A. Arnaiz Ave.) in Pasay City (where I spent most of my childhood). Clicking on the arrows in the picture takes you to other places. Enjoy!

Sa Swerving ng mga Jeep Kapag Sila ay Pinara

~ ~
Bilang mga Pilipino lang naman siguro ang makaka-relate sa post kong 'to, isinulat ko sya in Filipino.

Nakasakay ako sa jeep, pauwi na, sa may bandang Pasay Rotonda (ganyan talaga nila ini-spell ang rotonda, at wala naman talagang rotunda dun), nang biglang kinabig ni manong driver ang manibela pa-kanan para huminto at isakay ang aleng pumara. Nagkataon namang may MMDA Officer sa lugar at narinig kong pinagsabihan niya ang driver na, "Swerving yang ginagawa mong yan e." Sagot ng driver, "Pasensya na sir, pasahero e." Sa kabutihang-palad ni manong driver, hindi siya hinuli ng MMDA Officer.

Naisip ko lang matapos mangyari ang mga bagay na 'yun, tama si mamang MMDA sa kanyang pag-sita (bukod sa siya ay mabait dahil hindi nya hinuli ang driver) at tama rin naman si manong driver sa katuwiran nya na kaya sya nakapag-swerve ay dahil sa pasahero (bilang ito ay kanyang hanapbuhay). Pero mali si driver sa pag-swerve. Napa-isip na naman ako na maaaring may mali sa "setup" ng mga bagay sa loob ng pangyayaring iyon: huli na pumara ang ale dahil tiniyak nya muna na tama ang nababasa nya sa signboard ng gumagalaw na jeep. Pinara kasi ng ale mga 5 metro ang layo ng jeep namin na tumatakbo sa bilis na sa tantsa ko ay 30 kph. At dahil alam na alam ng mga driver na may mga pasaherong maaarte na ang gusto ay sa harap na harap nila hihinto ang (likurang bahagi ng) jeep, at kapag sumobra sila sa limang hakbang ng pumara sa paghinto, ang prospect na pasaero ay magtatampo at hihintayin ang susunod na masasakyang jeep. Ang driver ngayon ay gagawin ang lahat, gaya ng biglaang kabig at matinding pag-apak sa preno, para lang makapagsakay ng pasahero.

Para ito ay maiwasan, may naisip akong simpleng (design na) solusyon:

LAKIHAN ANG SIGNBOARD!

Dahil mahirap nga naman basahin ang mga gumagalaw na letra.

Ganto kaliit ang mga signboard ng jeep:

(ang litrato ay galing sa http://genesisdeleon.tumblr.com/)

Bakit hindi ito palakihin at ilagay sa itaas na bahagi ng harap ng jeep? Kaysa sa pangalan ng kung sinumang tao na wala naman tayong pakialam at balak kilalanin. Gaya ng nasa ibaba:

(mula sa http://www.eymardeas.com/ride-jeepney-philippines-moymoy-palaboy/2010/06/)

Pakialam ba natin kay Jonathan o kay Catherine o kung ano sila sa isa't-isa. Ang iba naman ay di mo mababasa ang signboard dahil sa masisilaw ka sa kintab ng stainless steel (na nakaka-irita din sa mga kapwa kasalubong na motorista):

(edited na larawan na nagmula sa www.superstock.com/stock-photos-images/442-1626B)

Sa halip na mga pangalan ng kung sinuman o nakasisilaw na bagay, hindi kaya mas mainam kung mas malaking version na lang ng signboard ang ilagay nila para mas madali nating mabasa kahit ang jeep ay malayo pa? Parang ganito:

Ewan ko na lang kung hindi pa 'to makita sa malayo. Sana may gumawa nito, sa ikauunlad ng Pilipinas.

FOOM

P.S.: Ang paghinto ng mga jeep at gayundin ng mga bus sa gitna ng kalsada ay ibang isyu.
 
© 2009 - ARKIATBP